Pansamantalang itinigil ng pamahalaan ang pagpapaayos sa airstrip ng bansa sa bahagi ng Spratlys na tinaguriang Pagasa.
Ayon kay Presidential Spokesman Herminio Coloma, nais nilang manatili ang status quo habang nakabinbin pa sa The Hague ang inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa China.
Sinabi ni Coloma na bahagi ito ng rules based at diplomatic approach ng Pilipinas sa pagresolba sa iringang dulot ng agawan ng teritoryo ng Pilipinas at China.
Ang airstrip ay ginagamit sa pagdadala ng mga supplies sa isang maliit na komunidad sa Pagasa Island.
Mula nang masira ang airstrip ay napilitan na ang pamahalaan na magdala ng supplies sa pamamagitan ng barko na dumaraan sa napakaraming Chinese vessels.
By Len Aguirre