Inilabas na ng Commission on Elections o COMELEC ang mga bagong patakaran sa pagsasahimpapawid ng mga political ads ng mga kandidato para sa 2016 presidential elections.
Nakasaad sa Resolution Number 100-49 ng COMELEC, binibigyan ng tig-120 minuto airtime ang mga kandidato sa national positions para sa kada TV stations habang tig-180 minuto naman ang inilaan sa kada himpilan ng radio.
Para naman sa mga kandidato sa lokal na posisyon, mayroon silang tig-60 minutong airtime sa kada istasyon ng telebisyon habang 90 minutong airtime naman sa kada himpilan ng radio.
Paalala pa ng COMELEC, dapat ilagay ng mga kandidato sa closing credit ng kanilang pol ads ang mga katagang “political advertisement paid for” saka ilalagay ang pangalan ng kandidato.
Magugunita noong 2013 elections, kabuuang 120 minuto lamang ang ibinigay ng COMELEC sa mga kandidato na magsahimpapawid ng kanilang pol ads sa lahat ng himpilan ng radyo at telebisyon.
By Jaymark Dagala