Ipinagpaliban ng mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Dino na magkaroon ng supling ngayong taon sa pamamagitan ng in-vitro fertilization o IVF.
Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Aiza na maaantala ang plano nilang magka-baby dahil sa pinansyal na kadahilanan at mga responsibilidad.
Aabot sa 1 milyong piso ang magagastos sa IVF.
Kung matatandaan, si Aiza ay itinalaga bilang Commissioner ng National Youth Commission, habang ang asawang si Liza ay nahirang naman bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.
By Meann Tanbio