Plano na ng mag asawang Aiza Seguerra at Liza Dinio na ituloy ang pagkakaruon ng anak sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization
Sinabi ni Liza na sa Amerika nila ipapagawa ang In Vitro Fertilization na aniya’y ang kabuuang proseso ay aabutin ng 3 buwan
Ayon kay Liza tiwala silang magiging positibo ang nasabing procedure lalo nat mahal ito o aabutin ng 2 milyong Piso
Excited na aniya ang lahat lalo na si Aiza sa nasabing procedure at posibleng sa Amerika na sila mag pasko matapos ang In Vitro Fertilization sa San Jose, Northern California
Ipinabatid ni Liza na isang anonymous na lalaki ang magiging donor ng sperm cell habang siya naman ang lalabas na surrogate mother dahil siya ang magdadala nito sa kaniyang sinapupunan na siyang magiging role niya
By: Judith Larino