Itinanggi ng singer/artist na si Aiza Seguerra na siya ang naatasan ni incoming president Rodrigo Duterte na maging bagong commissioner ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Umugong ang ispekulasyon ukol dito makaraang makipagpulong si Aiza kay Duterte sa Davao nuong nakaraang Linggo.
Nilinaw ni Aiza na humingi lamang ng tulong sa kanya si Duterte hinggil sa mga usaping may kinalaman sa sining at kultura.
Dahil dito sinabi ni Aiza na kumokonsulta sila ngayon sa cultural workers at sa mga miyembro ng akademya na magbalangkas ng agenda na ipiprisenta sa susunod na pangulo.
Binigyang diin ng singer/composer na wala siyang sariling agenda sa pagtungo nito sa Davao.
By: Ralph Obina