Suportado ni Aiza Seguerra ang pagpapalit ng pangalan ni Charice Pempengco.
Ayon kay Aiza wala siyang nakikitang masama sa pagpapalit ng pangalan kung ito ay isa lamang hadlang sa pagpapalaya ng totoong pagkatao ng isang indibiduwal.
Naglagay pa ng hashtag ang National Youth Commission Chairman ng pang-congratulate kay Charice sa name transformation nito.
Matatandaang nag-trending sa Twitter ang pagpapalit ng pangalan ni Charice sa Jake Zyrus nitong Lunes na umani ng iba-ibang reaksiyon mula sa mga netizen.
Sagot naman ni Charice sa mga basher: “I won’t let anyone ruin this moment. I won’t let anyone ruin my happiness. Thank you to all the beautiful write ups about me.”—/ AR
Photo: iceseguerra / Instagram