Muling uupo bilang acting Chief Justice ng Korte Suprema si Senior Associate Justice Antonio Carpio.
Ito ay sa oras na tuluyan nang magretiro ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro na nakatakda sa Miyerkules, Oktubre 10.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Maria Victoria Guerra, uupo bilang OIC Chief Justice si Carpio hangga’t wala pang napipiling kapalit ni De Castro si Pangulo Rodrigo Duterte.
Batay na rin aniya ito sa nakasaad sa Section 12 ng Republic Act of 296 o Judiciary Act of 1948 kung saan otomatikong umaakto ang most senior associate justice ng Korte Suprema bilang punong mahistrado sakaling mabakante ito.