Ayaw nang patulan ni Supreme Court Associate Justice Samuel Martirez ang pagkontra ng ilang grupo ng mga relihiyoso sa kaniyang nominasyon bilang susunod na Ombudsman.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, ipinauubaya na umano ni Martirez sa Judicial and Bar Council ang pagpapasya kung pasok ba siya o hindi sa mga pamantayan sa naturang posisyon.
Una nang ipinunto ng mga petitioner mula sa mga relihiyoso tulad ng mga pari, pastor at theologian na hindi kuwalipikado sa Ombudsman si Martirez dahil sa pagiging imoral, sinungaling at kawalan ng dignidad nito nang patalsikin si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinuway din umano ni Martirez ang bagong code ng JBC na dapat mag-inhibit ang isang mahistrado dahil sa usapin ng pagiging bias sa isang kaso tulad ng quo warranto petition.