Tinanggihan ng sexy actress ba si AJ Raval ang kanyang role para sa remake ng ‘Scorpio Nights’.
Paliwanag ni AJ, ipaprayoridad niya muna ang kanyang pag-aaral kaya hindi niya tinanggap ang project.
Sinabi pa ng sexy actress na mag-lie low muna siya sa pagpapaseksi at nais niyang matupad ang kanyang dream role na bumida sa isang action film.
Tiniyak naman ni AJ sa kanyang fans na hindi ang ‘Kaliwaan’ ang huling sexy movie niya.
Samantala, ang kapwa sexy actress ni AJ na si Christine Bermas ang hahalili sa kanya sa Scorpio Nights 3 na unang pinagbidahan noong 1985 nina Anna Marie Gutierrez at Orestes Ojeda, at nasundan ng part 2 noong 1999 na pinagbidahan naman nina Joyce Jimenez at Albert Martinez.