Inihayag ng kampo ni world heavyweight boxing champion Anthony Joshua ng Britanya na handa itong lumaban nang walang manonood nang live sa paligid ng boxing ring.
Ginawa ni promoter Eddie Hearn ang pahayag matapos sabihin ng British Boxing Board of Control (BBBC) na posibleng magkaroon ng professional boxing events simula sa Hulyo nang walang ringside viewers bunsod ng COVID-19 pandemic.
Maliban dito, plano ring limitahan ang event ng hanggang limang laban lamang dahil sa social distancing.
Ang susunod sanang laban ni Joshua ay sa Hunyo 20 kontra Bulgarian Kubrat Pulev pero hindi rin naman ito matutuloy dahil sa krisis.
Matatandaang nabawi ni Joshua ang kanyang IBF, WBA, WBO at IBO belts mula kay Mexican-American Andy Ruiz Jr. sa Saudi Arabia noong December 2019.