Pinasimple na ng Department of Social Welfare and Development ang mga panuntunan nito para sa mga target beneficiaries sa ilalim ng Ayuda sa kapos ang Kita Program (AKAP) kabilang na ang low income at minimum wage earners.
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, nakasaad ang pinasimpleng guidelines ng akap sa memorandum circular no. 30 series of 2024 na nilagdaan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Sa ilalim nito ay ginawang mas inklusibo ang pagpapatupad ng programa upang masakop ang mga pilipinong bahagi ng formal at informal economy.
Dito ay pinadali ang documentary requirements para sa mas sistematikong proseso ng pagrepaso at pag-verify sa pagiging kwalipikado ng mga benepisyaryo ng programa.
Kabilang sa mga ibinibigay na tulong sa ilalim ng akap ang medical, funeral, food at cash assistance na direktang ibinibigay sa pamamagitan ng Crisis Intervention Units o sections sa Central at Field Offices ng DSWD at sa pamamagitan ng Social Welfare and Development at Satellite Offices nito sa buong bansa. – Sa panulat ni Laica Cuevas