Dumipensa ang ilang kongresista ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng DSWD o Department of Social Welfare and Development laban sa batikos ng mga kritisismo.
Ayon sa young guns ng kamara, hindi “pork barrel” ng mga mambabatas ang AKAP ng DSWD.
Iginiit ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, na hindi dapat ituring na pork barrel ang akap na sinasabing maaaring magamit para sa 2025 midterm elections.
Sa naging pahayag naman ni House Deputy Speaker David Suarez, hindi dapat bigyang-malisya ang akap, na nakakatulong sa mga sektor na nasa “near poor” o “low income” ng mga manggagawa.
Sinabi naman ni House Committee on Appropriations Vice Chairman Jill Bongalon, na dumadaan sa “validation” ng dswd ang mga beneficiary ng AKAP.
Sa panukalang 2025 national budget, 26 billion pesos ang alokasyon para sa AKAP, kung saan 21 billion pesos ay para sa Kamara, at 5 billion pesos naman ay para sa Senado. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo