Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee Budget ang desisyon ng Kamara de Representantes na pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program.
Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez, na mahalaga ang nasabing programa para sa mga pilipinong may trabaho ngunit hindi sapat ang kita.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-List rep. Zaldy Co, ang AKAP ay pinaglaanan ng kabuuang 26 bilyong pisong pondo sa ilalim ng panukalang pambansang badyet para sa 2025.
Dahil dito, nagpasalamat si Speaker Romualdez sa mga senador sa kanilang suporta sa akap at pinuri ang House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-List rep. Zaldy Co, para sa matagumpay na pagtatanggol ng mga panukalang badyet.