Nabahala ang Liberal Party sa naging attitude ni Commissioner Christian Robert Lim matapos itong magbitiw bilang head ng Campaign Finance Office o CFO.
Ayon kay AKBAYAN Rep. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Daang Matuwid Coalition, ito ang nagtulak sa kanila upang isumite na ang Statements Of Contributions and Expenditures o SOCE ng kanilang Presidential candidate na si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Sa kabila nito, nanindigan si Gutierrez na hindi naman ipinagbabawal ang late filing ng SOCE.
Ipinaliwanag ni Gutierrez na hanggang sa kahuli-hulihang sentimo na nagamit sa kampanya ni Roxas ay kanilang binilang na naging dahilan kung bakit natagalan sila sa pagsusumite ng SOCE.
by: Meann Tanbio