Nakitaan ng pagpapabaya ang lokal na pamahalaan ng boracay hinggil sa napaulat na malakihang halloween party sa isla nuong Oktubre a-31 na sinasabing lumabag sa COVID-19 health protocols.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bigo ang LGU na imonitor ang isla pagdating sa pagsunod sa health protocols.
Dahil dito kinalampag ni Puyat ang LGU at alkalde na aniya’y kailangan seryosohin ang covid kung gusto nitong makabangon muli ang turismo sa Boracay.
Giit pa ng kalihim dapat ay maging istrikto ang mga ito sa pagpapatupad ng mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat sa isla ng nakahahawang sakit at manganib na muling magsara ang Boracay.
Ipinadala sa DOT ang ilang video kung saan makikita sa naturang party ang paglabag ng mga dumalo rito sa physical distancing at wala ring suot na face mask at face shield.