Inihayag ni Aklan Governor Florencio Miraflores na sa nakalipas na tatlong buwan ay nakapagtala ang lalawigan ng 137 deaths o 2 hanggang 3 katao ang nasasawi sa kada araw dahil sa COVID-19.
Aniya, sa kabuuan ay umaabot sa 184 deaths ang kanilang naitala simula noong Marso.
Kasunod nito, nag-abiso na rin si Miraflores sa mga munisipalidad doon na ihanda ang mga sementeryong paglilibingan ng mga nasawi dahil sa COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico