Nananatiling walang suplay ng kuryente ang buong lalawigan ng Aklan matapos salantain ng Bagyong ‘Ursula’.
Ipinabatid ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi pa naibabalik ang suplay ng 138 kilovolts line sa Visayas area na nakaapekto sa transmission services sa buong probinsya ng Aklan.
Samantala, hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Visayas na nawala kahapon ng umaga, ika-25 ng Disyembre.
Kabilang dito ang mga sakop ng Panitan Sara at Panitan Sapian 69 kv line, Nabas Sapian 69 kv line, Nabas Caticlan 69 kv line at Borongan Quinapondon 69 kv line.
Samantala, naibalik naman na ang serye ng kuryente sa Leyte at Northern Samar.
Tiniyak ng NGCP ang tuluy-tuloy na inspeksyon nila sa mga apektadong lugar at higit na bibilis ang proseso nito kapag gumanda na ang panahon.