Nanguna ang Ako-Bicol sa 46 na grupo na iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) na nanalo sa katatapos lamang na halalan.
Kabilang pa sa mga nanalong partylist groups ay ang Gabriela, Buhay, 1-Pacman, Act Teachers Inc., An Waray, Cibac, Abono, Kabataan at Bayan Muna.
Limampu’t anim (56) na House seats ang nakalaan para sa partylist groups.
Ang mga grupo na nakakuha ng 2-percent ng kabuuang partylist votes ay garantisadong may isang upuan sa Kongreso.
Habang ang mga partylist na nakakuha ng mahigit 2 porsyento ng kabuuang boto ay makakukuha ng karagdagang congressional seats.
Kabuuang 116 partylist organizations ang lumahok sa 2016 polls.
By Meann Tanbio