Pansamantalang itinigil ng Department of Migrant Workers (DMW) Ang akreditasyon ng mga bagong foreign recruitment agencies sa Kuwait.
Ngunit paglilinaw ng DMW, wala raw itong kaugnayan sa sinapit ng OFW na si Jullebee Ranara sa naturang bansa at nais lang aniya nilang masuri ang recruitment agencies doon.
Ayon naman sa Migrant Worker’S Office sa Kuwait, isinasaayos pa nila ang mga kasalukuyang accredited foreign recruitment agencies sa nasabing bansa.
Samantala, sinabi ng abogado ng agency ni Ranara na si Atty. David Castillon ng Catalyst International Manpower Services na hindi umano humingi ng tulong sa agency si Ranara maging ang pamilya nito noong nabubuhay pa.
Handa naman aniya ang kanilang ahensya na sagutin ang kahit anong tanong tungkol sa sinapit ni ranara.