Tiniyak ng Department of Health Region 9 (DOH-9) ang aksyon sa kakulangan ng personal protective equipment (PPEs) sa Mindanao.
Ito’y matapos lumabas na malaki pa ang bilang ng pangangailangan para sa PPEs sa mga lalawigan ng Mindanao.
Ayon kay Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Sharky Palma II, nasa 16, 460 na PPEs pa lamang ang natatanggap ng rehiyon at nangangailangan pa ng karagdagang mahigit 37,000 PPEs.
Giit ng mambabatas, huwag sanang ituon lamang ang atensyon sa Luzon, mayroon din umanong pangangailangan sa kanilang rehiyon na kanilang ginagawan din ng paraan.