Binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang dalawang bulkan sa Bicol Region.
Kabilang sa mga tinututukan ng PHIVOLCS ang bulkang Bulusan sa Sorsogon gayundin ang bulkang Mayon na nasa Albay na kapwa nananatiling nasa alert level 1.
Ayon kay PHIVOLCS Director at Department of Science and Technology o DOST Undersecretary Renato Solidum, wala pa namang implikasyon ang mga naitatalang aktibidad ng bulkan, subalit dapat pa rin aniya itong bantayan.
Partikular na inoobserbahan ng PHIVOLCS ang pagtaas ng magmatic activity sa bulusan na nagreresulta sa phreatic eruption at posibleng pagtaas ng magmatic activity ng bulkan.
Bagama’t may nakikitang pamamaga sa bunganga ng bulkang Mayon pero paglilinaw ni Solidum, normal pa rin ang sitwasyon doon subalit kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.
—-