Posibleng magtutuloy-tuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal na maaaring tumagal ng tatlong araw hanggang pitong buwan.
Ito ay ayon kay Ma. Antonia Bornas, Chief of the volcano monitoring and eruption prediction division ng PHIVOLCS, ang kanilang nakikitang “worst case scenario” sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Aniya, karaniwang nagsisimula sa maliliit ang aktibidad ng Bulkang Taal kung saan nagsimula ito sa phreatic eruption at sinundan ng lava fountain tulad ng naitala kaninang umaga.
Sinabi ni Bornas, ilan sa mga palatandaan din ng pag-aalburuto ng Taal ang inaasahang lalabas sa ilang mga bayan na nakapaligid dito.
Tulad aniya ng pagbibitak-bitak ng lupa dahil sa paglalabas ng magma na naitala na noon sa bayan ng Lemery, Taal at San Nicolas.
Ang pagbibitak ng lupa is documented sa bayan ng Lemery, Taal at baka San Nicolas. Sa volcano island lumulubog yan typically after each eruption from the main crater, dito sa Tanauan yung 1749 eruption; Tanauan, Talisay hanggang sa Calamba, Laguna,” ani Bornas.
Dagdag ni Bornas, may panganib din ng pagguho at pag-liquify o paglabot ng lupa sa paligid ng lawa.
Sakaling maging maulan din aniya, may posibilidad din ng pagkakaroon ng lahar.
Kung maulan at masyadong maraming abo na binubuga ang bulkan pwede tayo magka-lahar particularly sa side ng Laurel medyo mas malaki yung mga ilog dyan sa Laurel, sa ibang parte ng bulkan masyadong matarik ang dalisdis mahirap mag-accumulate ng maraming deposit,” ani Bornas.