Patuloy na naglalabas ng mataas na lebel ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes ang bulkang Taal.
Naobserbahan ito mula sa Taal main crater na may taas na 2,500 metro.
Ang pagbuga naman ng sulfur dioxide ay aabot sa 14 ,326 tonelada kahapon, Hunyo 28.
Kasabay nito ay naitala rin ang sampung volcanic earthquakes at low level background tremor simula pa noong Abril 8, 2021.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum,sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa alert level 2 ang bulkang Taal.
Minentain po natin sa alert level 2 ang bulking Taal posibleng magkaroon ng steam driven or gas explosion kaya marapat na walang taong pupunta sa volcano island,” wika ni Solidum.
Samantala, kaugnay nito nilinaw ng Phivolcs na ang naaranasang “haze” o malabong kapaligiran sa Metro Manila kahapon ay “smog” na dulot ng polusyong galing sa “human activities”.
Hindi umano ito sanhi ng aktibidad sa taal volcano.
Haze, Kasi sa Metro Manila kahapon baka may tanong,kung iyong tinatawag na volcanic fog baka umabot sa Metro Manila, hindi po. Ang sulfur dioxide ga kasama ang water vapor, kung malakas ang hangin ipapadpad iyon. Kapag umabot sa isang lugar at lalong lalo na kung mababa na ang gapang ng isang gas syempre nakakairita ito sa ilong at baga,″pahayag ni Solidum.