Patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mataas na aktibidad ng Bulkang Taal.
Ito’y batay sa inilabas na datos ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras , nakapagtala ng 86 na volcanic earthquake ang naturang bulkan.
Bukod dito, nagkaroon rin ng 84 volcanic tremor na tumagal hanggang 34 na minuto. May naitala ding background tremor.
Umabot din sa 2,100 metro ang taas ng pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan bago mapadpad sa Hilagang-Silangan dulot ng upwelling ng mainit na volcanic gas.
Samantala, nakataas pa rin ang alert level 3 sa naturang bulkan kung kaya hindi pa rin maaaring lumapit sa mga high risk areas sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel.