Patuloy na binabantayan ngayon ng Phivolcs ang aktibidad ng Mt. Pinatubo matapos ang mahinang pagputok nito kahapon.
Ayon kay Phivolcs Chief Undersecretary Renato Solidum, sa ngayon ay walang nakitang bagong pagbuga ng magma sa bulkan.
Kakaiba aniya ito sa tinatawag na magmatic eruption na nangyari noong 1991 na pagsabog ng Pinatubo kung saan may bagong materyal na lumabas.
Kung pagbabatayan umano ang mga record at visual observation, makikitang galing ito sa crater na mababaw lamang at ang sanhi ng pagsabog o yung steam ay may pressure kaya nagkaroon ng paglabas ng usok.
Una rito sinabi ng Phivolcs na naitala ang “seismic at infrasound signals ng mahinang pagputok Mt. Pinatubo sa pagitan ng alas dose nueve ng tanghali at alas dose trese ng tanghali, kahapon.