Nauwi sa sunod-sunod na pamamaril ang pagbisita ni presidential candidate Leody De Guzman at kaniyang kampo sa Barangay Butong, Quezon sa Bukidnon Province.
Ayon sa campaign team ng Partido Lakas ng Masa (PLM), nasa probinsya si De Guzman upang tumulong sa mga indigenous peoples ng Manobo-Pulangiyon upang mabawi ang kanilang lupa.
Bagama’t walang nasawi sa nangyari, dalawa naman ang nasugatan dahil sa tama ng baril kabilang ang organizars ng grupo at lider ng tribong Manobo-Pulangiyon.
Ligtas naman sina De Guzman, Cabonegro at D’angelo.
Hindi naman binanggit ng Philippine National Police (PNP) kung grupo ni De Guzman ang pinaputukan.