Kasabay ng pagdiriwang ng International Human rights day inaresto ng polisya si Trade Union organizer at Defend Job Philippines member Dennise Velasco sa mismo nitong bahay sa Lagro,Quezon City matapos umano itong makitaan ng mga iligal na baril at pampasabog sa isinagawang search warrant ng polisya.
Itinanggi naman ito ni Velasco at iginiit na itinanim lamang ng pulisya ang mga nakumpiskang ebidensya samantalang planado di umano ito ng pulisya ani naman ng misis ni Velasco.
Ikinagalit naman ng Defend Job Philippines ang pag-arestong ito at anila’y talagang isinabay pa sa paggunita ng International Human Rights Day.
Kaugnay nito planong sampahan ng panig ni Velasco ang mga polisya na naghalughog sa kanilang tahanan.
Matatandaang ilan sa pinaglalaban ni Velasco ay ang labor dispute ng mga manggagawa laban sa mga kompanya tulad ng PLDT at Jollibee Foods Corp. at ang pagpatigil sa kontraktuwalisasyon. —sa panulat ni Agustina Nolasco