Posibleng sumirit sa 52,393 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 pagsapit ng Disyembre.
Ito ay ayon sa Department of Health (DOH) ay kung magpapabaya ang publiko sa pagsunod sa minimum health protocols lalo’t nasa mas mababang alert level na ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang bilang ay batay sa pagtaya ng kanilang disease surveillance team.
Sa kabila nito, posible naman aniyang makapagtala na lamang ang pilipinas ng 22,000 active cases ng covid-19 sa Nobyembre 15.
Ani Vergeire, dapat mapanatili ang 82% na mobility at ang mabilis na detection at isolation para bumaba ang aktibong mga kaso.—sa panulat ni Hya Ludivico