Bahagya pang bumaba sa 27,497 ang aktibong kaso ng covid-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 2,573 covid cases kahapon.
Ang mga bagong kaso ay mababa sa average cases na naitala noong August 22 hanggang 28 na 2,752.
Dahil dito, nasa 3,877,110 ang total case load kabilang ang 3,787,893 recoveries at 61,720 deaths.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinaka-maraming infections sa mga rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo na 12,444; sinundan ng Calabarzon, 6,323 at Central Luzon, 4,075.
Sa Metro Manila, Quezon City ang may pinaka-maraming naitalang kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 2,956; sinundan ng Cavite, 2,143 at Laguna, 1,625, na kapwa naman nasa Calabarzon.