Bahagya pang tumaas sa 33,622 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon kumpara sa 33,509 noong Sabado.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health ng karagdagang 4,159 cases na pinakamataas na single-day tally simula noong February 10.
Dahil dito, umakyat na sa 3. 77 milyon ang total caseload kabilang ang 3,682,278 recoveries habang nadagdagan ng walo ang death toll at sumampa sa 60,727.
Sa datos ng DOH sa bawat rehiyon, pinakamarami pa ring kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay nasa National Capital Region, 14,107; sinundan ng CALABARZON, 9,282 at Central Luzon na mayroong 4,401.
Nangunguna naman ang lalawigan ng Cavite sa mga lugar na may pinakamaraming kaso na 3,186; Quezon City, 2,972 at Laguna na may 2,511.