Bahagyang bumaba sa 31,992 ang active cases ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng DOH kahapon, nakapagtala ng karagdagang 3,047 na kaso ng COVID-19 habang umabot sa 3,141 ang bagong recoveries.
Sumampa naman sa 3,785,865 ang total case load, kabilang ang 3,693,115 recoveries.
Nadagdagan naman ng 13 ang bilang ng mga nasawi kaya’t tumungtong sa 60,762 ang death toll.
Ang NCR pa rin ang rehiyong nanguna sa may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 14,704 new cases, sinundan ng CALABARZON, 9,485 at Central Luzon na may 4,478.