Karagdagang 2,321 Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon.
Batay sa datos ng ahensya, bahagyang bumaba sa 26,003 ang aktibong kaso mula sa 26,404 na naitala noong Sabado.
Dahil dito, sumampa na sa 3,982,965 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 10,399; sinundan ng CALABARZON, 5,228 at Central Luzon na may 2,745.
Nadagdagan naman ng 33 ang death toll kaya’t umakyat sa 63,510 ang bilang ng fatality habang sumampa na sa 3,893,452 ang recoveries.