Bumaba na sa 33, 774 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, kahapon kumpara sa 35, 271 noong linggo.
Ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 3, 077 cases ang Department of Health, kahapon.
Ang new cases ay mababa sa average daily cases na naitala noong August 15 hanggang August 21 na 3, 412.Umakyat naman sa 3, 858, 838 ang total case load, kabilang ang 3, 763, 768 recoveries at 61, 386 deaths.
Samantala, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming infections kada rehiyon sa nakalipas na dalawang linggo na 14, 128 cases; sinundan ng CALABARZON, 8, 441 at Central Luzon, 4, 785.