Karagdagang 1,623 covid-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon dahilan upang lumobo pa sa 3,973,091 ang total caseload.
Kabilang sa nadagdag ang 34 deaths kaya’t sumampa na sa 63,363 ang fatalities habang 3,885,445 na ang recoveries.
Bumaba naman sa 24,283 ang aktibong kaso, ang pinaka-mababa simula noong September 14.
Sa mga bagong infection, 581 ay mula sa National Capital Region, na nangunguna pa ring rehiyon sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo.