Bumulusok sa 177, 670 ang active COVID-19 cases sa bansa.
Ito’y sa gitna ng pagbaba ng bilang ng bagong kasong naitatala ng Department Of Health (DOH) kada araw.
Nakapagtala lamang ang DOH ng 18,056 na bagong kaso ng COVID kaya’t lumundag sa 2,266,066 ang kabuuang kaso.
Mataas naman ang bagong recoveries ngayong araw na sumirit sa 20,542 kaya’t umabot na sa 2,052,867 ang bilang ng gumaling.
Tumaas din sa 222 ang bagong pumanaw kaya’t nasa 35,529 na ang namamatay sa naturang sakit.
Isa sa dahilan ng kaunting bilang ng naitalang daily COVID-19 cases ay ang mababang testing output na umaabot lamang sa 50,425 makaraang mabigo ang 12 laboratoryo na magsumite ng datos.—sa panulat ni Drew Nacino