Sumadsad na sa 2,487 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ang pinaka-mababang bilang ng active cases ngayong taon.
Ito’y makaraang makapagtala ng karagdagang 110 COVID-19 cases ang Department of Health, kahapon.
Nasa 3, 688, 001 na ang kabuuang bilang ng nagkakasakit, kabilang ang 60,452 na death toll.
Umabot naman sa 3, 625, 062 ang recoveries.
Samantala, nangunguna pa rin sa mga rehiyon na may pinaka-mataas na bagong kaso ng COVID-19 ang National Capital Region, 875; Region 4-A, 256 at Region 3, na may 231 cases.