Lumagpak pa sa 28,380 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot sa 277 ang karagdagang COVID-19 cases dahilan upang sumirit sa 3,681,374 ang kabuuang bilang ng kaso.
Sumampa na rin sa 3,593,225 ang total recoveries habang lumobo na sa 59,769 ang namatay makaraang madagdagan ng 39 ang death toll.
Samantala, sumadsad na sa 1.6% ang positivity rate sa nakalipas na isang linggo kumpara sa 1.9% simula noong March 28 hanggang April 3.
Dahil sa patuloy na pagbaba ng daily cases at pagluluwag ng restrictions, umakyat na rin ang ranking ng Pilipinas sa Bloomberg COVID Resilience Index.
Mula sa 53rd spot noong Pebrero, nasa 49th place na ang bansa noong Marso.