Bumaba pa sa 11,786 ang aktibong kaso ng covid-19 sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, karagdagang 326 covid-19 cases ang naitala kahapon kumpara sa halos 200 cases at 12,362 active cases noong Martes.
Sumampa naman sa 4,650,569 ang total caseload, kabilang ang 3,988,000 recoveries.
Nakapagtala rin ng additional 10 fatalities kaya’t umakyat na sa 65,445 ang death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 2,754; sinundan ng Calabarzon, 1,291 at Central Luzon, 617.