Tumungtong na sa 27,116 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 3,657 na COVID-19 cases kabilang ang labingtatlong nasawi, kahapon, ang pinaka-mataas na daily cases simula noong Pebrero 12.
Sa mga bagong kaso, 1,327 ay mula sa Metro Manila habang bahagyang tumaas sa 60,683 ang death toll.
Umakyat naman sa 3,752,534 ang total case load, kabilang ang 3,644,735 recoveries.
Samantala, umalagwa sa 14% ang positivity rate ngayong linggo kumpara sa 12.7% noong nakaraang linggo.
Kasalukuyang nasa moderate risk sa 6.4 cases per 100,000 population ang Metro Manila kung average daily attack rate (ADAR) ang pagbabatayan.
Sa kabila nito, ikinukunsiderang nasa low risk sa 32% ang healthcare utilization rate sa National Capital Region.