Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 14,640 na kaso ng COVID-19 sa bansa Hulyo 11 hanggang hulyo a-17.
Batay sa lingguhang case bulletin ng DOH, ito ay 44% na mas mataas kumpara sa naiulat na kaso noong nakaraang linggo.
Mababatid na tumalon sa 2,091 mula sa 1,467 ang daily case average.
Sa kabila nito ay nananatili naman sa 12.6% ang positivity rate ng National Capital Region (NCR).
Samantala, sa kabuuaan ay 71,322,848 individuals o 91.32% na ng populasyon na target ng gobyerno ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19.