Nakapagtala ng 24,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Hulyo a-25 hanggana a-31 ang Department of Health (DOH).
Batay sa datos ng DOH, nasa 3,443 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ngayong linggo, mas mataas ng 24% kumpara sa mga kasong naitala noong Hulyo a-18 hanggang a-24.
Nabatid na sa mga bagong kaso, 74 ang may kritikal o malubhang karamdaman, habang 44 naman ang nasawi.
Samantala, higit 71 milyon na indibidwal o 91.81% na ng target na populasyon ang bakunado laban sa COVID-19, habang 16.2 million naman na indibidwal ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.