Sumirit sa 43,323 ang aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 ( COVID-19) matapos makapagtala ng karagdagang 3,439 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Sabado.
Batay sa tala ng DOH, pumalo na sa kabuuang 591,138 ang kumpirmadong kaso sa bansa habang 535,350 mula sa mga bilang na ito ay nakarekober na.
Samantala, sumampa naman sa 12, 465 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ng karagdagang 42ngayong araw.—sa panulat ni Agustina Nolasco
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,439 ngayong Sabado, Marso 6.
Pumalo na sa kabuuang 591,138 ang…
Posted by DWIZ 882 on Saturday, 6 March 2021