Naitala ng Department of Health (DOH) kahapon ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 simula noong Abril a-29.
Ayon sa DOH, sumampa sa 7,192 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa habang 576 naman ang bagong COVID-19 cases ang naitala kahapon, dahilan para pumalo na sa kabuuang 3, 702, 319 ang caseload.
Umakyat naman sa 3, 634, 596 ang gumaling habang mayroong 13 nadagdag sa death toll kaya’t umabot na sa 60, 531 ang nasawi.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming bagong COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo, na may 4,078; sinundan ito ng CALABARZON, na may 1,448; Western Visayas, 717; Central Luzon, 552 at Central Visayas, na may 400.