Umabot sa 10, 271 ang COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health sa bansa simula Hulyo a-4 hanggang a – 10.
Batay sa datos ng DOH, nasa 1,467 na ang daily average cases ngayong linggo o mataas ng 39% kumpara noong Hunyo a – 27 hanggang Hulyo a – 3.
Kahapon naman ay nakapagtala ang kagawaran ng karagdagang 1,660 COVID-19 cases dahilan upang sumampa na sa 14,218 ang aktibong kaso.
Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na tally simula noong April 2022.
Umakyat na rin sa 3, 720, 054 ang total case load, kabilang ang 3, 645, 196 recoveries 60, 640 na death toll.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyong may pinaka-maraming cases sa nakalipas na dalawang linggo na 7,920; CALABARZON, 3,573; Western Visayas, 1,511; Central Luzon, 1,435 at Central Visayas, 711.