Sumampa na sa 549,176 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos makapagtala ng 1,928 na kaso ngayong linggo.
Ito ay batay sa bagong tala ng Department of Health (DOH) ngayong Pebrero 14 kung saan 25,918 sa mga ito ay itinuturing na aktibong kaso o mga patuloy na nagpapagaling.
Habang 10,967 naman ang nadagdag sa bilang ng lahat ng nakarekober na sa virus dahilan upang pumalo sa 511,743 ang numero ng lahat ng gumaling.
Samantala, walo naman ang naitalang namatay ngayong araw dulot ng COVID-19.
Bunsod nito, sumirit na sa 11,515 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.—sa panulat ni Agustina Nolasco
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,928 ngayong Linggo, Pebrero 14.