Sumampa na sa 34,100 ang aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng 2,240 bagong kaso ngayong araw ng Sabado, Pebrero 20.
Bunsod nito, pumalo sa 559,288 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Pilipinas habang 12,068 naman ang lahat ng bilang ng nasawi.
Pumalo naman sa, 513,120 ang numero ng mga gumaling na matapos makapagtala ng 504 recoveries ang Department of Health ngayong araw. —sa panulat ni Agustina Nolasco
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,240 ngayong Sabado, Pebrero 20.