Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) Health Service ng 221 na aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.
Batay sa datos, 19 ang naiulat na bagong kaso ng COVID-19 sa PNP.
Sa ngayon ay umabot na sa kabuuang 49,173 angCOVID-19 cases sa PNP kabilang ang 48,823 na nakarekober at 129 na nasawi dahil sa nakahahawang sakit.
Samantala, sumampa na sa 225,601 ang bilang ng mga nabakunahan sa hanay ng pambansang pulisya, 146 ang partially vaccinated habang 223,145 naman ang naturukan ng booster shots.