Posibleng sumampa sa 7,500 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa sa ikalawang bahagi ng Hulyo.
Batay ito sa projection ng Department of Health, kung patuloy na mababawasan ang mga sumusunod sa minimum health protocols at mananatiling kaunti ang nagpapaturok ng booster.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring dumami ang ma-o-ospital sa ikalawa hanggang ikatlong linggo ng hulyo dahil sa bumababang immunity.
Sa mahigit 70 milyong naka-kumpleto na ng bakuna, nasa 15 milyon pa lamang sa mga ito ang naturukan na ng unang booster.