Posibleng pumalo sa 60K hanggang 70K ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research, pinangangambahan itong mangyari sa Metro Manila sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.
Dagdag pa ni David na hindi ito malayong danasin ng Metro Manila lalo na kung mananatiling mataas ang reproduction rate ng COVID-19.
Hindi naman tinatanggal ni David ang magandang naidulot ng pinairal na Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila nitong nagdaang dalawang linggo.
Pero hindi pa aniya tapos ang problema ng bansa kontra COVID-19 dahil mas patuloy ang pamamayagpag ng variants nito gaya ng delta variant.