Naitala ng Pasay City ang 55 na mga indibidwal na aktibo sa COVID-19 na siya namang pinakamababang bilang sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang naturang pagbaba ng mga aktibong kaso ng virus ay dahil sa mas pinaigting na pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19 sa lungsod.
Mababatid sa ngayon ay may higit sa 14,000 na kaso ang naitala sa lungsod kung saan 96.91% dito ang nakarekober na sa virus.
Nauna rito ay pinapurihan na ng MMDA ang lungsod ng Pasay dahil sa ginawa nitong hakbang para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang nasasakupan.
Sa huli, nanawagan si Mayor Calixto-Rubiano sa mga residente ng lungsod na patuloy na sumunod sa umiiral na health protocols laban sa virus.